Messenger Coronavirus (COVID-19)

Messenger Coronavirus (COVID-19)

Messenger Coronavirus (COVID-19)

Coronavirus Image
Coronavirus Image
Coronavirus Image

Narito ang ilang paraan na makakatulong ang Messenger na manating magkasama sa panahon ng pandemic

Narito ang ilang paraan na makakatulong ang Messenger na manating magkasama sa panahon ng pandemic

Manatiling konektado sa iyong community

Naka-commit kami sa pagbibigay ng suporta ng mga community leader habang tumutugon ka sa challenge na ito. Kumonekta sa mga group, organization at impormasyon sa remote na paraan.

Alamin Pa

Manatiling malapit kahit hindi kayo magkasama

Matutulungan ka ng Messenger na manatiling malapit sa mga pinakamahalaga sa iyo, mula saanman at sa anumang device. Gumamit ng chat at mga voice call para kumonekta nang one-on-one, o pagsamahin ang iyong paboritong group gamit ang Mga Messenger Room.

Alamin Pa

Manatiling ligtas at iwasan ang mga scam

I-verify ang mga impormasyon sa mga pinagkakatiwalaang opisyal na pinagmulan, at mag-ingat sa mga taong gumagawa ng mga scam tulad ng hindi aprubadong medikal na paggamot o mga hindi tamang fundraiser. Kung hindi ka siguradong totoo ang isang bagay, huwag ibahagi ito.

Alamin Pa

PAGPAPANATILING LIGTAS ANG IYONG IMPORMASYON

Mga Resource para sa Mga Health Organization ng Gobyerno

Pwedeng gamitin ng mga organization ang Messenger para manatiling konektado sa kanilang mga community, i-share ang accurate at napapanahong impormasyon, tumugon sa mga karaniwang tanong at marami pa.

Nagbibigay ang Messenger ng mga libreng messaging tool sa lahat ng Page, kasama ang mga gobyerno at health organization, pero alam namin na maaaring mahirap tumugon kaagad sa mga message sa mga panahon ng mataas ang volume.

Para gawing mas madali ang prosesong ito, at para tiyakin na nakakakuha kaagad ang mga tao ng mahalagang impormasyon sa mga panahong hindi tiyak, gumawa kami ng programa para ikonekta ang mga health organization ng gobyerno sa mga Messenger developer na matutulungan silang mag-establish ng presence sa Messenger, mag-set up ng automated, instant na mga pagtugon sa mga karaniwang tanong at inquiry at i-broadcast ang mahahalagang update sa kanilang mga communiity habang maging available ang bagong impormasyon.

Alamin Pa

Narito ang ilang paraan na pwede kang tulungan ng Messenger na manatiling konektado sa iyong community

Narito ang ilang paraan na pwede kang tulungan ng Messenger na manatiling konektado sa iyong community

Mga Magulang

Sa ngayon, mahirap para sa mga bata na manatiling konektado at nakikisalamuha sa mga kanilang mga kaibigan at pamilya. Ang Messenger Kids ay app na dinisenyo para sa mga batang may edad na 6-12 para magkatuwaan sa pakikipag-video chat at pagme-message sa isang environment na kontrolado ng magulang. Pwedeng mag-set up ang mga magulang ng mga virtual na playdate o mga homework session, at pwede gumamit ang mga bata ng masaya, mga interactive na experience para panatilihing thriving ang katawanan at mga koneksyon.

Mga Educator

Matutulungan ka ng Messenger na manatiling konektado sa iyong community kahit hindi kayo pwedeng magkasama nang personal. Sabihin ang mga update o kamustahin ang isa’t isa gamit ang group voice at mga video call. O gamitin ang mga group o Mga Room para manatiling konektado sa mga magulang o colleague.*

Mga Business

Tinutulungan ng pagme-message ang mga negosyo na manatiling konektado sa mga customer kapag hindi sila pwedeng nang personal. Gamitin ang mga libreng tool sa pagme-message para bigyan ang mga customer ng mahalagang impormasyon at isipin ang pag-set up ng mga automated na sagot sa mga madalas itanong tulad ng mga pagsara ng store, mga business hour at marami pa.

Lokal na community

Kung ito ay community ng pananampalataya, civic organization, o group ng aktibidad, ginawang mas mahalaga kaysa dati ang climate of uncertainty ang pagpapanatili ng mga personal na koneksyon sa aming community. I-consider ang pag-host ng mga group gathering gamit ang Messenger Rooms, o paggawa ng group para manatiling konektado, magbahagi ng mahalagang impormasyon, o para lang nandoon para suprotahan ang isa’t isa.

Manatiling malapit kapag hindi kayo magkasama

Manatiling konektado sa chat ng grupo

Magbahagi ng mahalagang impormasyon at makipag-ugnayan sa iyong mga community group at isara ang mga koneksyon sa mga group chat. Ang mga custom na pangalan ng group at emoji ay tumutulong ding panatilihin masaya at maayos ang mga bagay.

Kamustahin ang group video

Gumamit ng Rooms para mag-hang out kasama ang iyong mga paboritong tao sa video chat. Pwede kang mag-invite ng hanggang 50 tao na walang limitasyon sa oras, at hindi mo kailangan ng Facebook account para sumali.

I-share ang iyong story

Ang pagkonekta sa remote na paraan ay matutulungan tayong maging mas malapit. Gumawa at mag-share ng Stories sa mga malapit na kaibigan at pamilya, para pwede silang manatiling konekktado sa pamamagitan ng mga visual na snapshot ng iyong araw.

Ipahayag ang sarili mo

Maglaan ng oras para i-share ang saya na nasa paligid mo na masaya, nakakalibang na mga feature tulad ng mga AR filter, GIF, camera sticker, emoji at chat sticker pack sa anumang device at platform na ginagamit mo.

Manatiling Ligtas at Iwasan ang Mga Scam

Sa kasamaang-palad ang mga panahon ng kagipitan ay ginagawang mas madali para sa mga scammer o iba na magdulot ng pinsala sa aming mga platform. Nagsusumikap kami nang mabuti para pigilan ang mga mapanirang aktibdad bago ito makarating sa iyo, pero gusto rin naming magbigay sa iyo ng mga tip at tool para panatilihing ligtas ang iyong sarili sa panahon ng pandemic na ito.

Manatiling Ligtas at Iwasan ang Mga Scam

Sa kasamaang-palad ang mga panahon ng kagipitan ay ginagawang mas madali para sa mga scammer o iba na magdulot ng pinsala sa aming mga platform. Nagsusumikap kami nang mabuti para pigilan ang mga mapanirang aktibdad bago ito makarating sa iyo, pero gusto rin naming magbigay sa iyo ng mga tip at tool para panatilihing ligtas ang iyong sarili sa panahon ng pandemic na ito.

Mag-ingat sa mga scam

Ang isa sa pinakamagandang paraan para protektahan ang iyong sarili mula sa mga scam at mapinsalang maling impormasyon ay manatiling may alam. Mag-ingat sa mga taong humihingi ng pera o nag-aalok ng mga medikal na paggamot kung hindi mo sila kilala sa totoong buhay. Kung mayroon nakikipag-ugnayan na sinasabing isang pampublikong personalidad o organization, hanapin ang Blue Badge na sinasabing ito ang kanilang na-verify na account. Tingnan ang video na ito at nakakatulong na tip sheet sa mga karaniwang internet scam at kung paano maiiwasan ang mga ito, at i-click dito para malaman kung paano maging isang na-verify na Page o Account.

Pigilan ang pagkalat ng maling impormasyon

Hindi lahat ng ipinapadala sa iyo tungkol sa coronavirus ay maaaring accurate. I-verify ang mga impormasyon gamit ang iba pang pinagkakatiwalaang source tulad ng World Health Organization o ang iyong ministry of health. Maghanap ng mga Forward Indicator na inaalertuhan ka kapag nakakatanggap ka ng forwarded na message, na tinutulungan kang malaman kapag ang natanggap mong message ay hindi ginawa ng taong nagpadala nito. Kung hindi ka sigurado na accurate ang isang bagay, mangyaring huwag i-forward ito.

*Responsable ang Messenger user sa pagtiyak ng anumang paggamit ng Messenger na sumusunod sa mga naaangkop na batas, kasama ang education privacy at mga batas sa record-keeping.

Hindi nagbibigay ng edukasyon ang Messenger.